MARJONLANDIA : The Second Gate

See the Literary Me..

Saturday, July 29, 2006

Dahon ng Pag-asa

by : '-ñ!Njã-'


Ha, wala na?
Paano na ako, tayo?
Dahon ng Pag-asa. Dahon... wala na!
* * *
Alam ko na! Ang Dragon ng Buhay--Tama!
Tumakbo, naglakad. Kami ay napagod.
Paro salamat at ang kweba ng Dragon
Ay naiwang bukas!
* * *
Nakita namin at kami'y namangha,
Isang puno na puno ng Dahon ng Pag-asa
Sa ami'y nagpakita!

* * *

Kami'y masaya, syempre ano pa ba?

Nag-umpisa na kaming mamitas

Ng Dahon ng Pag-asa--

Aming pinakaaasam-asam!

* * *

Pero kami'y pagod na rin at nanghihina,

Kaya aming napitas konti lamang.

Babalikan na lang namin sa susunod na araw.

* * *

Kami ay bumalik ngunit huli na ang lahat.

Ang Dragon ay nagbalik at nandyan na.

Kami ay nakita at nagbuga ng apoy!

Takot kaya umalis na lamang.

* * *

Tumakbo at tirahan ay di na binalikan.

Di na alam kung nasaan--

Nasa teritoryo ng Higante!

* * *

Ang Higante ay mayaman sa Dahon,

At madaling gulangan.

Kaya aming pinakaaasam-asam,

Aming nakamtan!

* * *

Sa pagtagal, aming samaha'y lalong lumawak.

Pero lahat ng bagay ay may hangganan,

Kaya Dahon ng Higante, tuluyang naubos na.

* * *

Dating kahirapan na aming dinanas

Ay bumalik ng biglaan.

Ang aming samahan

Ay nagkawatakwatak!

* * *

Pero di dito nagtatapos! Darating ang panahon

Kami ay magsasama-sama uli

Para ipagpatuloy ang naputol na misyon!

* * *

Kami ang Samahan ng mga Negosyante

Ng Dahon ng Pag-asa!

Ang Espirito ng Pag-asa ay Mananatili!

Ako'y isang negosyante.

to witness more of the astonishing works of

'-ñ!Njã-'

Visit:

delajoker.tk

and click the link which redirects to his blog.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home