Well, eto ako. You havent heard of me since the Caviar Mayhem.
Kamusta nga ba ang Christmas ni Margaro Jonathanne Enriquez?
A Very Special Christmas (Part 1)
That is.. If 'bad' or 'disastrous' is special.
I. Paskuhan - the Best Christmas Party EverWhy don't we start with..(drumrolls) PASKUHAN!!!
Hay nako ordinary day na nman. Ang lamig ng tubig. So I'll just stare at the pail of water. Next thing I knew. Nakaligo na ko.
Booring.
Tapos nakita ko yung nephew ko. Sabi niya may raffle daw sa kanila for their Christmas Party kaya bigyan ko daw siya ng singkwenta pesos. And then I smiled. Sh*t. Christmas Party rin namin!
As in totally nakalimutan ko talaga, so excited ako.
Dali-dali nagbihis. At pumunta na school.
9 AM daw pala magkikikita-kita.
After one hour, nagsidatingan ang mga hayup. NAKOW talaga napakareliable na talaga ng Filipino time nowadays.
Para sa mga di alam kung pano magcompute ng Filipino time. Youve landed on the right blog!
Time Announced + 60 minutes = Filipino TimeHahaha natatawa nga ako eh. Yung isa kong blockmate, kumakain pa daw. 10 AM na. Relax lang.
So siguro kapag in-announce ng NASA na 7 PM lalabas ang meteor shower sa Pinas. 8 PM mag-si-si-tingalaan ang mga tangang Pilipino.
Proud to be Pinoy!So ayun, nung nagkita kita kami sa UST. Dumaan sandali yung former English prof namin at nakigulo tapos we zoomed to Trinoma na.
So I was at Kara's car; I should navigate daw kase. Her driver doesn't fucking know how to get to Trinoma. Well, sa buhay ko? Never ako naging yung navigator. Parang kumbaga sa buhay, ako yung passive type. Well, sa kotse, ako yung nasa likod. Nakikinig ng music. Nakatingin sa labas. Namomroblema kung sasabog ba yung kotse o hindi. Pero again, hindi ako EMO.
SO yun na. Well, Di ko naman talaga kasi kabisado. All I know is. You get to Espana Blvd then diretso and make a kaliwa. Haha! So Conio!
Sabi ni Ench (yung kumakain pa sa bahay kahit 10 AM na):
'Bro, di ba dadaan sa Quezon Memorial Circle nun?'
Boom! That could only mean one thing. Dadaan kami sa scariest street in Metro Manila.
ANG ELLIPTICAL ROAD! AAAAAA!
Ang gulo kaya ng road na yun. Kaya nga di namin namalayan na dalawang beses na kami umiikot, di namin alam kung san kami lalabas! Tandang Sora? Commonwealth? Walang Trinoma! PAKING SHET.
Pano ko nalaman kung san lalabas? Simple lang. Ang alam ko kasi ang Trinoma ay nasa harap ng SM North EDSA. May salitang NORTH sa North EDSA. Kaya ang unang street na may makita akong word na NORTH, okay na yun!
HAHA at tama naman ako. Sa North Ave kami lumabas. And hello Trinoma!
Kumain lang kami. Nag-exchange gift. Nanggulo ng Food Court at nanuod ng Four Christmases. Nagkape. Nag-NBS. Nagsihiwalayan. At nagkita-kita sa USTe.
Ang gandaa ng fireworks! So iniisip ko na. Wait. Meron palang party sa bahay nina Jell. Too bad. Baka di ako payagan so di na lang ako pupunta. Pero gusto ko talaga pumunta. To go or not to go? To-go or dine-in? Ano?!?!
Bago pa ko makapagdecide, kinaladkad ako ng friend kong si DJ along with Ana and Arjo papunta sa bahay nila. All-expense paid trip daw! Magpapaka-choosy pa ba ko? GO na!
Medyo napansin namin na traffic. As in kung titingin ka sa horizon, dun mag-eextend ang pila ng jeep. Naghanap kami ng pinaka-most-likely makakaescape agad sa traffic. Sa sobrang enjoy namin sa paghahanap, kulang na lang nakarating na kami sa bahay ni DJ.
Pero sumakay pa rin kami. Sosy eh.
So tumambay muna kami dun at kumain ng spaghetti and uminom ng Coke Sakto.
That reminds me. Galit ako sa Coke Sakto. Kasi kumbaga sa mga sizes ng Coke. Sya ang pinakamapagpanggap. Impostor!
Bakit? Bakit i-c-claim mong sakto ka kung hindi naman? Di ba tinawag siyang Sakto dahil Limang Piso! Singkong Duling! Five Pesoses!
San ka ba nakakita ng 5.50 na sakto? Para mo na ring sinabing ang lahat ng buhok mo ay black! Pero alam mong may puting buhok ka! Impostor!
Grabe ang disappointment ko. Saktong Lima tapos may dalawang bentesingko pa. Parang nagtaxi ka tapos tuwang tuwa ka at nagtatatalon ka dahil saktong P100 ang metro dahil P100 lang ang natira sa allowance mo. Pero bigla kang matitigil dahil may P10 COMPULSARY TIP pala!
Hay. Haggardness.
Anyway back to Paskuhan.
After nun sumayad sa utak namin na mag isang shot ng Tequila. Pero maarte nga kami so kelangan ng salt, water etc. Grabe ang sarap utusan ni DJ. Parang fetish. Haha!
After nun, pumunta muna ko bahay namin para sa Moment of Truth. Papayagan ba ko o hindi? Si Pacquiao ba o si de la Hoya? Si Marky Cielo ba o si Didith Reyes?
Unti-unti akong lumapit sa pinto ng kwarto ng tita ko.
Unti-unting binuksan ang pinto.
Nakita ko tita ko. then yung sister ko. tapos may lumabas ng banyo. Ay TAE! Nakalimutan ko! Andito na pala Lola ko!
Kasi kung sa Tita ko. Party until 10 PM only. Sa Lola ko, NO PARTY AT ALL!Pero wuh? All of a sudden, nagbago ang ihip ng hangin.
Before I could open my mouth, my Tita told me.
"If you have a party then fine. Just dont get drunk. And don't tell Mommy (Lola)"
Woohoo! I was jumping for joy! My God! Bukas na ba ko mamamatay?
When I went to USTe to tell the news, I paused. Time stood still. I stared blankly for a few seconds and sat..
-rjon-