MARJONLANDIA : The Second Gate

See the Literary Me..

Saturday, June 21, 2008

MARJONLANDIA : Adventures in the Golden Tiger Castle (Episode 3)

Season 1, Episode 3
June 17, 2008

Curse of the Centuries, Really?

Freshmen Orientation. And I'm beginning to see people who deserve me.

I don't wanna name them. Instead, Imma give aliases to people whom I don't like. I really don't like them. And I'm about to learn that I am not alone. =)

So, proceed na ko sa Med Audi. Pagpasok ko, nakita ko siReally. Ngumiti siya at tanga lang ang mag-smile back. That's right. Tanga nga ako. Plastic? Was I? Maybe not the exact word. Try 'respectful'.

'Asan si...Ench?' sabi nya.
'Oh, di ko alam'
'Okay'
'Okay'

O di ba. E di tapos. Parang text lang. (yung common sa mga textmates na walang interest sa isa't isa - Ex: ah ganun ba?, oh, haha, hehe, =D ) Walang plastikan.

Tapos biglang tumawag si Ench.

'Bro, asan kayo?'
'Sa med audi'
'San yan?'

Eto na katangahan ko, sabi ko:

'Ahm, ahhh, yung sa may DOOR...'

Tapos eto ang nakainsult saken. Pinagtawanan ba naman ako ni Really at nung kasama nya. 

Okay. Ngiti lang Marjon. Ayus lang yan. Day 2 pa lang to. Pag magkaoffense ka, di ka makakapagpatuloy. Okay lang yan. okay lang yan.

Ayos lang. Talagang katangahan yun. Pero di nya kailangang magpakita na katangahan yun. Kasi di nya ko kilala.

Nagpatuloy ako sa pakikipag-usap.
'Ahm, yung nasa may elevator pala..'

Ayun, naloko na, nasa likod ko na pala yung kausap ko. Nakarating na siya. At talagang nag-uusap pa rin kami ah. Ayaw nyang ibaba. Mahirap sya sa load.

'Andito na ko, sa likod mo'

Gusto ko pang sabihin:
'AH talaga? kelan pa? Kamusta ka? Maayos ba tulog mo?'

Kaso sayang naman load nya. Dugo't pawis rin yun ng mga magulang nya.
Hahahahaha. Bale nga pala yung naintindihan ko lang sa Orientation ang laging pagbanggit at pagmamayabang nila na ang UST ay ang the 'RPS' University (
the Royal, the Pepsi, and the Coke University of the Philippines)

Haha baduy. Sabaw. Corny. Mamais.

Tapos paglabas namin ng Med Audi.

Wala kaming choice ni Ench kundi sumabay sa kanila. dahil sila lang ang grupong kakilala namin.

Dun nangyari ang karumaldumal na krimen. Kung anu man yun. Samin na lang yun. Baka mabasa nya eh. Haha

So nagtour na kami. At sobrang tahimik ko na sa sobrang inis at sobrang pagod.

AT umabot kami sa Arch of the Centuries. May isang legend tungkol sa arkong yun. Sabi nila, pag dumaan ka daw dun palabas, di ka na makakagraduate (maybe bcoz you can only use the arch once and that is, on your grad march). AMPUTTT.. Parang dumaan ako dun palabas nung Episode 1. Sht. Sht. Sht.

Ang masayang part dun ay nung umupo kami sa may tabi nun, nanonood at nagbibilang ng di gagraduate.

Tawag ko dun ay Curse of The Centuries.

New characters:
Wei (Hi I'm Wei, My Wei, Your Way, Path Wei, Hall Wei, Broad Wei, Pasa Wei! Any Wei, are you from Pisay?)
Shen (Hi, I'm Shen, no, not She, Shennnnnnnn)
Karl (Gusto nyo magkatabi [ni Ench]? Okay.)
Bon (Taga-Bicol ka rin? Taga-pisay ka?! Kilala mo si Gicka?!?!?!?!?!)
Thea (Hi, I'm Thea. Sorry forgot your name....ah, Marjon, sorry im kinda bad in remembering names?) How cute.. haha

Pero
Ngunit
Subalit
Yet

But alin ang tunay na curse? Ang Arch o si Really? That's what we're going to find out in the next days.

-rjon-

0 Comments:

Post a Comment

<< Home