MARJONLANDIA : The Second Gate

See the Literary Me..

Sunday, June 22, 2008

MARJONLANDIA : Adventures in the Golden Tiger Castle (Episode 4)

I thought Wednesday was pretty boring and fast yet significant. 

Why? You have to read me post.

Why? I dont know what about you. But Im just doin my thing. If you'd miss even a single sentence, you'd miss a lot so I strongly suggest you read the entire post.

So here it goes.

Season 1, Episode 4

June 18, 2008

 

Olrytie. Wei told me last night. Hindi daw ako makulet. Sobrang tahimik. Hmmm. Let's see. Di nga ba makulet Ang Marjon?

Nalate ako. Naks! The old Marjon's back, mga pare!

Sa mga di nakakaalam, mahilig ako sa mga dramatic entance kaya mahilig ako magpalate.

Mga tipong, pag ikaw pinakalate, nagpapalakpakan mga classmates. Ang sarap ng feeling. Parang special ka talaga. Yun nga lang, para sa teacher mo, di ka special, pa-espesyal ka.

Buti na lang second meeting pa lang ng Philo kaya mas takot pa yung Prof haysa sa estudyante. Pinapasok pa rin ako. At umupo ako sa likod.

Unfortunately, di ko marinig prof namin. Ang hina talaga ng boses. Sobra. 

Uy! Prof ka ba? Di ko kailangan makipagbulungan sayo. Sayang bayad ko.

Pero nasense ko na magaling syang Prof. Talaga. Despite sa hina ng boses nya. Despite na wrong gramming sya. I have a strong feeling that he is indeed a good professor. (may ganun pa eh, noh?)

Pero baka ako lang problema. Narealize ko, may hearing and eyesight problem pala ako kaya di ko kailngang mag-tapang-tapangan na kaya kong matuto sa likod.

I had to make a move. Tumayo ako, nilapitan ko prof ko.

'Can I sit in front? I have a hearing problem.'

'Tanungin mo mga kaklase mo kung gusto nilang makipagpalit sayo'

Nako, wag na lang. Kinakabahan ako. La pa ko kilala. At alam ko ang selfish nature ng 'front-liners'. Maraming ganyan sa hayskul ko.

Pero I can't blame them. Gusto rin nila matuto tulad ko.

So, sabi ko sa prof:

'Sir wag na, nakakahiya naman, titiisin ko na lang'

Hindi ako seryoso nun. Mahilig ako mang-reverse psychology. So naging pursigido sya maghanap ng kapalit ko ng upuan. Bwahahahahaha! I'm so evil. Sorry pero kailangan talaga, or else, wala akong matutunan.

And then there was Wei.

Oh no. Babae ang nakikipagpalit. No! I insist! Dito na talaga ako. Ayokong babae makipagpalitan saken. Ako kasi yung taong maawain sa babae (except sa sister ko na sinusuntok ko sa braso). Ayokong nakakakita ng labandera. Gusto ko lalaki naglalaba(pero ayoko maglaba). Ayokong makakita ng babaeng pinapagalitan ng boss nya. Promise, it breaks my heart.

Pero, mas maawain tong si Wei. Grabe. Ayaw nya magpaawat. Tumayo na sya. Nothing can stop her.

So wala na ko nagawa. Kasi babae yun eh. Sinunod ko na lang sya. Umupo ako sa seat nya na nasa third row. At umupo sya sa likod. Huhuhu. May butterflies sa tummy ko. (Intel Pentium 1 Translation: Naguiguilty ako)

So natapos na ang classes ng ganun kabilis. Wala pa rin English prof. Ewan ko ba kung anu nangyari dun.

Lumabas na kami. Obviously, di na ko sasam kina Jel. At eto na ang significant, nakita ko sina Wei na nagtitipon-tipon kaya kinaladkad ko si Ench dun(haha peace tayo).

Sakto, nagyayayaan sila na magMcdo bukas kasi birthday ni Leann. Tapos pagharap ko sa kanila, automatically, naging imbitado ako. Ayus ah! Haha Thanks Leann!

Pero di ko alam pero badtrip nun si Wei. Pauwi na daw sya. Nagsiuwian na yung iba kasi gusto sumabay sa uso ang kabataan. Pero may apat na natira - si Eldrin, Ci, Jaia at Bon.

Dun na nagsimula ang lahat.

May grupo na pala talaga sila. Di ko alam. May pangalan na nga agad eh. Bilis ah.

Ayun. Nagsilamunan na kami at nakilalasila ng lubusan. Sinabi ko na rin yung tungkol kay Really at sa kanyang army.

After nun, nagkaroon ako ng bagong friends. AT naintroduce na ko sa bagong grupo ng mga tarantadong walang magawa sa buhay kundi magdaldalan. Masaya ako sa piling nila.

New characters:

Eldrin (Hi my name is Eldrin, EEEEllldrin. Hindi! Walang A. E dapat. E!)

Ci (Sumali ka rin ng College Journal? Feature din ako! Yay!)

Jaia (Hi I'm Jaia. Mas magaling ako kay Jaya.)

Ana (Hi, I’m Ana. AAAANNNA. Hindi Hannah. Lalo nang hindi AnnaH!)

=)

 

Guys, I know you're so happy I came along. You're so fortunate. Joke lang!

I mean, ako pala ang swerte that you came along. Love you guys.

P.S. Idinaos rin ang halalan sa araw na to. I didnt want to elaborate.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home