MARJONLANDIA : The Second Gate

See the Literary Me..

Monday, June 23, 2008

MARJONLANDIA : Adventures in the Golden Tiger Castle (Episode 5)

Season 1, Episode 5
June 19, 2008

Grabe. Gusto ko uli sumama sa kanila. Tamang-tama. Birthday ni Leann. Sigurado lahat sila mag-aattend. =)

Well, ayun, di naman ako late sa awa ng Diyos. Nakarating pa rin ako sa tamang oras. mga 2 minutes early. O di ba at least early pa rin yun.

May nakatext akong classmate kagabi. Si Toshi. Bakit Toshi? Kasi Half-Filipino, half-Filipina sya. Haha! Joke. Fil-Japanese si Nagatoshi ebisawa. Asteeg nga ng name, noh?

Tawag sa kanya ni Wei minsan, ay TOKYO TOKYO. Hanep mang-asar ni Wei, noh?

So nakita ko na sya. Sya pala yung nilalagnat kahapon. Na sumabak pa rin sa PE. Tapang.

Di daw kasi sya sanay sa mahabang byahe. Awww.

Well, bilang suki ng Penafrancia Tours, sanay na ko tahakin ang 10-hour travel from Bicol to Manila and vice-versa. Minsan nga, pag galing ako Bicol, ipipikit ko na lang mata ko para manalangin sa Poong Maykapal, pagdilat ko, hala, nasa Alabang na pala ako.

Ayus, kasama kasi sa prayers ko na ayoko nang mahabang byahe.

Lufet ni God, noh?

Going back, e di ayun, dumating na ang Filipino Prof namin for the first time. La kasi pasok nung Tuesday dahil sa Orientation ng the Royal, the Pepsi and the Coke University of the Philippines.

Mukhang strict. AY ang ambisyosa, ginawa pang alphabetically arranged ang room namin. Mukha ata kaming elementary sa paningin nya. Ewan ko lang ah. Ewan ko lang.

At eto pa, binigyan nya ng task ang Secretary namin, para lumibot sa klase at kumpletuhin ang seat plan. Talagang inutusan nya pa si Bon ah.

Anu kaya yun? Hindi ba obvious? Alphabetically arranged na po kami. Di nya pa alam, kung sino ang susunod kanino?

PPPFFF.. Please. Gimme a break. At mangongolekta daw sya ng notebooks na red. Uurrgghh. Kala ko ba college na to. Sya na mismo nagsabi. Hindi na to yung highschool namin.

With all due respect, Ma'am. =)

Mukhang mabait naman ang Math prof namin.

AT lunch break na!

BURGER, BURGER, BURGER!

Pero chicken dumating sa harap ko, at float. Haha masarap naman.

Thanks uli Leann.

Dito ko na nakita kung ano talaga ang aBIOnikos. Dito na ko naging official member.

Masaya talaga ako nagkrus ang mga landas natin. Stay sweet. Haha.

O ayan, may friends na ko. Wala na kong hahanapin pa.

Pahabol(sana walang ma-offend, kasama rin ako dito eh): Sa Bio Lab kasi, pinag-'introduce yourself to us' kami ng Prof. Okay. Grabe karamihan kasi, namatay na ang isang parent. Or iniwan sila ng tatay. Isa ako dun haha. Pero marami talaga.

Question: Who are your parents?

Classmate A: My mother is dead.
Classmate B: My father is dead.
Classmate C: [Well] My parents are alive.

Haha! Asteeg ka tol!

NEW CHARACTERS:

Toshi [Marjon (sa GM): Tapos na blog entry ko! Toshi: At wala ako...:|.. Hmpf..] Haha
Dyna [Hindi Nyda ang totoo nyang name. Dyna talaga.. I-gets na lang!]
Leann [San tayo?.. San tayo kakain?.. Uy, San tayo? San tayo kakain...Sabi ng san tayo kakain? Nice talking..]
Monique [Naaalala ko ex ko..]

I know I'm getting pretty repetitive but guys, you don't know how much grateful I am to have you. Hay. I love you all!

-rjon-

0 Comments:

Post a Comment

<< Home