Monday, June 23, 2008
Sunday, June 22, 2008
MARJONLANDIA : Adventures in the Golden Tiger Castle (Episode 4)
I thought Wednesday was pretty boring and fast yet significant.
Why? You have to read me post.
Why? I dont know what about you. But Im just doin my thing. If you'd miss even a single sentence, you'd miss a lot so I strongly suggest you read the entire post.
So here it goes.
Season 1, Episode 4
June 18, 2008
Olrytie. Wei told me last night. Hindi daw ako makulet. Sobrang tahimik. Hmmm. Let's see. Di nga ba makulet Ang Marjon?
Nalate ako. Naks! The old Marjon's back, mga pare!
Sa mga di nakakaalam, mahilig ako sa mga dramatic entance kaya mahilig ako magpalate.
Mga tipong, pag ikaw pinakalate, nagpapalakpakan mga classmates. Ang sarap ng feeling. Parang special ka talaga. Yun nga lang, para sa teacher mo, di ka special, pa-espesyal ka.
Buti na lang second meeting pa lang ng Philo kaya mas takot pa yung Prof haysa sa estudyante. Pinapasok pa rin ako. At umupo ako sa likod.
Unfortunately, di ko marinig prof namin. Ang hina talaga ng boses. Sobra.
Uy! Prof ka ba? Di ko kailangan makipagbulungan sayo. Sayang bayad ko.
Pero nasense ko na magaling syang Prof. Talaga. Despite sa hina ng boses nya. Despite na wrong gramming sya. I have a strong feeling that he is indeed a good professor. (may ganun pa eh, noh?)
Pero baka ako lang problema. Narealize ko, may hearing and eyesight problem pala ako kaya di ko kailngang mag-tapang-tapangan na kaya kong matuto sa likod.
I had to make a move. Tumayo ako, nilapitan ko prof ko.
'Can I sit in front? I have a hearing problem.'
'Tanungin mo mga kaklase mo kung gusto nilang makipagpalit sayo'
Nako, wag na lang. Kinakabahan ako. La pa ko kilala. At alam ko ang selfish nature ng 'front-liners'. Maraming ganyan sa hayskul ko.
Pero I can't blame them. Gusto rin nila matuto tulad ko.
So, sabi ko sa prof:
'Sir wag na, nakakahiya naman, titiisin ko na lang'
Hindi ako seryoso nun. Mahilig ako mang-reverse psychology. So naging pursigido sya maghanap ng kapalit ko ng upuan. Bwahahahahaha! I'm so evil. Sorry pero kailangan talaga, or else, wala akong matutunan.
And then there was Wei.
Oh no. Babae ang nakikipagpalit. No! I insist! Dito na talaga ako. Ayokong babae makipagpalitan saken. Ako kasi yung taong maawain sa babae (except sa sister ko na sinusuntok ko sa braso). Ayokong nakakakita ng labandera. Gusto ko lalaki naglalaba(pero ayoko maglaba). Ayokong makakita ng babaeng pinapagalitan ng boss nya. Promise, it breaks my heart.
Pero, mas maawain tong si Wei. Grabe. Ayaw nya magpaawat. Tumayo na sya. Nothing can stop her.
So wala na ko nagawa. Kasi babae yun eh. Sinunod ko na lang sya. Umupo ako sa seat nya na nasa third row. At umupo sya sa likod. Huhuhu. May butterflies sa tummy ko. (Intel Pentium 1 Translation: Naguiguilty ako)
So natapos na ang classes ng ganun kabilis. Wala pa rin English prof. Ewan ko ba kung anu nangyari dun.
Lumabas na kami. Obviously, di na ko sasam kina Jel. At eto na ang significant, nakita ko sina Wei na nagtitipon-tipon kaya kinaladkad ko si Ench dun(haha peace tayo).
Sakto, nagyayayaan sila na magMcdo bukas kasi birthday ni Leann. Tapos pagharap ko sa kanila, automatically, naging imbitado ako. Ayus ah! Haha Thanks Leann!
Pero di ko alam pero badtrip nun si Wei. Pauwi na daw sya. Nagsiuwian na yung iba kasi gusto sumabay sa uso ang kabataan. Pero may apat na natira - si Eldrin, Ci, Jaia at Bon.
Dun na nagsimula ang lahat.
May grupo na pala talaga sila. Di ko alam. May pangalan na nga agad eh. Bilis ah.
Ayun. Nagsilamunan na kami at nakilalasila ng lubusan. Sinabi ko na rin yung tungkol kay Really at sa kanyang army.
After nun, nagkaroon ako ng bagong friends. AT naintroduce na ko sa bagong grupo ng mga tarantadong walang magawa sa buhay kundi magdaldalan. Masaya ako sa piling nila.
New characters:
Eldrin (Hi my name is Eldrin, EEEEllldrin. Hindi! Walang A. E dapat. E!)
Ci (Sumali ka rin ng College Journal? Feature din ako! Yay!)
Jaia (Hi I'm Jaia. Mas magaling ako kay Jaya.)
Ana (Hi, I’m Ana. AAAANNNA. Hindi Hannah. Lalo nang hindi AnnaH!)
=)
Guys, I know you're so happy I came along. You're so fortunate. Joke lang!
I mean, ako pala ang swerte that you came along. Love you guys.
P.S. Idinaos rin ang halalan sa araw na to. I didnt want to elaborate.
MARJONLANDIA : Adventures in the Golden Tiger Castle (Episode 4)
Saturday, June 21, 2008
MARJONLANDIA : Adventures in the Golden Tiger Castle (Episode 3)
Curse of the Centuries, Really?
Freshmen Orientation. And I'm beginning to see people who deserve me.
I don't wanna name them. Instead, Imma give aliases to people whom I don't like. I really don't like them. And I'm about to learn that I am not alone. =)
So, proceed na ko sa Med Audi. Pagpasok ko, nakita ko siReally. Ngumiti siya at tanga lang ang mag-smile back. That's right. Tanga nga ako. Plastic? Was I? Maybe not the exact word. Try 'respectful'.
'Asan si...Ench?' sabi nya.
'Oh, di ko alam'
'Okay'
'Okay'
O di ba. E di tapos. Parang text lang. (yung common sa mga textmates na walang interest sa isa't isa - Ex: ah ganun ba?, oh, haha, hehe, =D ) Walang plastikan.
Tapos biglang tumawag si Ench.
'Bro, asan kayo?'
'Ahm, yung nasa may elevator pala..'
'AH talaga? kelan pa? Kamusta ka? Maayos ba tulog mo?'
Hahahahaha. Bale nga pala yung naintindihan ko lang sa Orientation ang laging pagbanggit at pagmamayabang nila na ang UST ay ang the 'RPS' University (the Royal, the Pepsi, and the Coke University of the Philippines)
Pero
But alin ang tunay na curse? Ang Arch o si Really? That's what we're going to find out in the next days.
-rjon-
MARJONLANDIA : Adventures in the Golden Tiger Castle (Episode 3)
Tuesday, June 10, 2008
MARJONLANDIA : Adventures in the Golden Tiger Castle (Day 1)
Natulog ako. Mga 1 AM. Sa sobrang kaba.
Nagising ako. Mga 5 AM. Sa sobrang excitement.
Pumasok ako sa school. Mga 7 AM. Para wala akong ma-miss.
I was waiting for this day. The wait is finally over. Day 1 of College. Marjon has reached the beginning of his toughest test yet.
I thought.
PUCHA! PAGPASOK KO HALOS LAHAT NAKA-CASUAL OUTFIT.
KONTI LANG YUNG MGA NAKA-UNIFORM. AT ISA AKO DUN.
Dalawa lang ang pwedeng nangyaring pagkakamali, it's either tanga kami or tanga sila, but in this case, may ikatlo pala, tanga ang administration.
Pumasok ako sa Main Building. Mukhang wala namang pasok, mas marami pa ata kami sa bahay kaysa yung mga nasa UST. But of course, exaggeration lang yun. Pero nakakadisappoint. Tinanong ako nung guard.
'Anong course?'
'Bio po..'(nakangiti ako nyan)
'O eto!'(nagbigay sya ng kalahating bond paper, na may nakasulat - ayun, naloko na, 16 pa pala ang start ng classes)
WTF!?!!?!?! As I've checked sa kanilang oh-so-reliable website, JUNE 10, HUNYO DIYES, IKASAMPUNG ARAW SA IKA-ANIM NA BUWAN. Nagkamali ba kami sa pagkaunawa namin? Where is justice?
Marami akong sacrifices and procrastinations para sa araw na 'to, tapos pag-t-tripan lang pala ako ng admin. Wala rin silang binanggit na kailangan ko ng temporary ID. Wala. Wa. None. Not a single peep.
Hanep sa sabotage. Hanep sa trippings. Para bang di kami estudyante.
They are monsters.
So napahinga na lang ako nang malalim kasi ayoko mang-away ng staffer. Lumabas ako ng Main Building, pumunta sa isang shed na maraming puno at sumigaw ng malakas.
'Hijo?', sabi ng isang lalaking naka-polo na may bitbit na x-ray film.
Tinanong niya kung anong oras na. Sabi ko, 7 AM.
Tapos umupo kami sa isang bench.
Naiinis daw siya. 9 AM niya pa daw kasi makikita yung pinsan niyang pari sa UST Church. Hihingi ata siya ng tulong.
May dalawa daw siyang anak, at siya lang bumubuhay sa kanila. She left him for another guy. Tinaas niya ang dulo ng kanyang pants, at pinakita ang bukol sa binti niya. Sobrang ramdam ko ang intensity ng physical at emotional pain niya.
May bone cancer pala siya. Tapos pinakita niya ang mga X-ray films, as proof na may nsakit nga siya.
Kahapon, sinanla niya ang 7-year old electric fan niya sa halagang P100. Pamasahe ata papuntang UST.
At ngayon, uuwi na lang siya dahil di ata siya sisiputin ng pinsan niyang pari dahil may ceremony para sa bagong rector ng UST.
Ang problema, wala na ata siyang pera.
Seriosly, hindi ako yung type ng person na masyadong generous dahil di kami ganun kayaman para mag-adopt ng Vietnamese or magbigay ng fund sa Bantay Bata. Pero ang hinihingi niya ay kaunting salapi. May babalikan pa siyang anak. At may libreng kwentuhan naman eh. Joke.
And it was truly a sad, heartbreaking and extremely awkward moment. I thought I could only see these scenes in movies. At nasa harap ko na yung taong humihingi ng tulong.
Twenty pesos was all I could give. Bakit? Ewan ko ba. Basta dumukot lang ako. Gustong-gusto kong ibigay ang buong baon ko. Kahit maglakad na lang ako pauwi. Pero di ko nagawa. Kahit doble pa yung baon ko sa sinanla niyang electric fan, nakuha ko pang magdamot.
I was a monster. And I still am.
We all have monsters inside us. We can never deny.
Nagpasalamat pa rin siya kahit konti lang nabigay ko. Umalis agad siya. Naglakad ako ng teary-eyed. I was so selfish. And it turned out to be an instinct. Bakit kasi of all rich kids sa UST, ako pa napili niya. Hindi ko siya sinisisi. Ako ang dapat sisihin.
At nakita ko ang isang matabang lalaki na nakatalikod, na may bag na sobrang familiar. I looked closer. Aba ang kumag, si Joel pala!
Biktima rin siya ng Admin.
Then we saw Tope. Then we saw Wabens.
We finished our respective tasks in UST at lumayas agad papuntang SM.
Bat ako nasa SM? Habang nagugutom yung lalaking may cancer?
Shet.
If only. If only makita ko lang siya ulit. Magbibigay ako ng ten times. or even twenty times sa lecheng bente na yun.
Hayy. Day 1 is over.
May I have more days to come.
=,(
-rjon-